Nasaan ka na ba?
Nasaan ka na ba? Sa tagal kong naghihintay, hindi ko mawari kung ikaw ba ang nawawala… o ako ba? Nasaan ka na ba? Ikaw ba ay nakalubog sa alaala ng kahapon at nahihirapang makaahon? O di naman kaya’y nasa pagitan ka pa ng dalawang hati ng puso mong nawasak nang gumuhu ang tiwala sa kwentong isinulat lamang upang burahin ng nagpanggap na tadhana? Nasaan ka na ba? Dahil hinihintay kita sa dalampasigan ng pag-asa — kung saan naroon ang bangkang maghahatid sa atin sa walang hanggang hampas ng alon ng pag-ibig — kung saan hindi natin matanaw ang bakas ng …